Switch

Harapin mo ang aking mga luha

Nakasulat dito ang mga kataga

Mga salitang di kayang lumabas sa bibig

Mahirap manahimik lalo na’t sasabog na ang dibdib

Tabihan mo sana ako

Kung mapansin mo

Ang basang mga mata

Kung sa tingin mo ikaw ang may sala

Huwag mag-alala

Hindi ako nangangagat

Yapusin mo lang ako at makakalimutan ko na ang lahat.

25 Pebrero 2016

Advertisements

SAWI SA SAWA

Sawa na akong masaktan

Sawa na ako ang laging may kasalanan

Sawa nang magsilbi

Sawa nang kumalimot sa sarili

Sawa nang hindi mapansin

Sawa nang isantabi ang damdamin

Sawa nang maging sawi

Sawi subalit hindi pa rin nagsasawa.

25 Pebrero 2016