Ako lang.

Masarap umiyak sa gabi habang umuulan.

Walang makakahalata ng aking mga luha.

Walang makakakita ng pagyanig ng aking mga balikat.

Walang makakarinig ng aking mga hikbi.

Walang makakapansin na halos kaladkarin ko na ang aking mga paa.

Walang makakaalam.  Ako lang.

Advertisements

Daloy

Ang pagluha ko ay paghinga.  Pagbitaw.  Sa akin, na hangga’t maaari ay umiiwas sa pagpapakita ng kahinaan ng loob, ito ay pagtitiwala sa kung sino man ang nandoon.  Hinding-hindi ito pagpapaawa.

May mga hindi makaunawa sa aking mga luha.  May di kayang tumingin habang ako’y umiiyak.  Marahil ayaw harapin at makita ang katotohanan.

Simple lang naman ang kasagutan: Makipag-ugnayan.

May nagsabi na ang pagdating ng buwanang dalaw ang dahilan.  Sa aking palagay, sinadya ng kalikasan na gawing “sumpungin” ako para ako’y makahinga.  Isa itong biyaya para hindi ako masiraan ng bait.

Lahat ng pagdaloy ay may dahilan.  Maling pangunahan, maling husgahan.  Hindi ikaw ako.

Mahirap umiyak.  Bukod sa pamumugto ng mga mata na tila bang naghahayag sa lahat ng makakita na ako’y may problema, napakasakit sa damdamin at isipan.

Di pa tapos ang aking pagluha.  Pero ako’y mas nakakahinga na.

Pahiwatig

© 2011 Fatima Erasmoin a bus, Manila

© 2011 Fatima Erasmo
in a bus, Manila

Kagabi natulog akong umiiyak.  Napakabigat ng loob.  Wala akong mapagsabihan, wala akong mapuntahan.

Naramdaman ko na ito dati.  Pangatlong beses na ito marahil sa buong buhay ko.  Pangatlong beses ko na naramdaman na parang gumuguho ang mundo ko.

Marami nang naging pagyanig bago ito.  Nagtapang-tapangan ako.  Pero sa loob, nalulusaw na ako.

Apat na taon nating kinikilala ng mas malalim ang isa’t isa.  Maikli at mahaba.  Mabilis at mabagal.

Sinaktan kita.  Sinaktan mo ako.  Subalit sana isang araw, mapatawad mo ako.

Share Chair

© 2012 Fatima ErasmoSagada, Mountain Province

© 2012 Fatima Erasmo
Sagada, Mountain Province

I am beyond “I”.  I have been “I” for more than two decades and I’ve observed and experienced much as “I”.  Please don’t belittle my past “I”.  You were not in it.  How could you have an opinion about it?

I am now at “we”.  If you’re still at “I” then be clear about it because even a child can see, there is no “I” in “we”.

Hatol

© 2012 Fatima Erasmo
Cemetery, Magallanes Cavite

Narinig ko ang aking mga nagawang kamalian.  Napakasakit pero tinanggap ko ng buong-buo.

Tama ang lahat ng mga paratang.  Hindi ko na pinagtanggol ang aking sarili.  Pinili kong manahimik.

Sigurado akong ganito sa totoong Purgatoryo kapag namayapa na tayong lahat.

Wala nang magagawa.  Maghihintay na lang ng hatol.

May natitira pa bang pag-asa?  Sana.

Gusto kong magbago.  Kundi man mabigyan ng pagkakataon, gagawa ako ng pagkakataon.